Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Oktubre 26.

Dakong 6:00 ng umaga ng Martes, ipatutupad ng Shell ang ₱1.15 sa presyo ng kada litro ng gasolina, ₱0.55 sa presyo ng kerosene at ₱0.45 naman ang idadagdag sa presyo ng diesel nito.

Kahalintulad na hakbang din ang ipatutupad ng Seaoil, Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz at PTT Philippines.

Ito ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Ito na ang ikasiyam na sunod na linggong pagtaas sa presyo ng langis sa bansa.

Sa loob ng walong linggo na dagdag-presyo mula sa mga petsang Agosto 31, Setyembre 7, 14, 21, 28, Oktubre 5, 12, at 19, umabot na sa kabuuang₱9.65 ang nadagdag sa diesel,₱8.05 sa kerosene at₱7.20 naman sa gasolina.

Bella Gamotea