'Squid Game' ang tema ng advance pa-Halloween party ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, na ibinida nila sa Instagram.

Ang Squid Game ay ang patok na Korean series ngayon, na maituturing na 'most-watched' series sa kasaysayan ng Netflix, dahil sa unique na story plot nito.

"Who wants to play a game?," ayon sa caption ng IG post ni Angel.

Aniya pa, "Hindi man tayo makalabas, we won't let this pandemic dampen our Halloween spirit. See you tomorrow for our Squid Game Halloween-themed special," na mapapanood sa kanilang YT channel.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Angel Locsin (Larawan mula sa IG)

Squid Game feels talaga ang kanilang set-up, dahil nagawa nilang magsuot ng costumes na kagaya ng mga contestants sa hit Korean series, at syempre, ang giant doll.

Bukod dito, talagang nag-costume pa ang mag-asawa at ang kanilang mga bisita ala-“Squid Game” contestants.

Angel Locsin (Larawan mula sa IG)

Angel Locsin (Larawan mula sa IG)

Ipinaliwanag ni Angel sa latest YouTube vlog na talagang kinasayan na nilang magkakaibigan na magsagawa ng reunion sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay.