Marami ang nakapapansin na parang matagal nang hindi nakikita o napapanood ang performance ng tinaguriang 'The Fearless Diva' na si Jona Viray sa 'ASAP Natin 'To'.

Ayon sa kaniyang mga tagahanga, miss na miss na nila si Jona na inanunsyo ang pansamantalang leave sa naturang musical variety show, na inihayag niya noong Pebrero, sa ginanap na virtual press conference for her digital concert, “Love, Jona”.

"Ngayon nga medyo nag-take a break muna ako sa ASAP dahil kailangan ko mag-focus sa pag-build, pagtatapos ng animal shelter na nakuha namin for our rescues. So parang tapusin ko muna lahat ng mga personal matters na to. Para makakapag focus ulet ako sa work ng alam mo yun, ng dire-diretso," pahayag ni Jona noon.

Kapansin-pansin din na madalang magbigay ng updates sa kaniyang social media accounts ang singer. Ang huling IG post niya ay noong Mayo pa, sa pagdiriwang ng Mother's Day.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ngunit nitong Oktubre 23 ay nag-post ang singer sa IG ng isang makahulugang mensahe, at pasilip na rin sa kaniyang kasalukuyang pinagdaraanan.

Kaugnay ito ng kaniyang pino-promote na praying app.

"I believe we've all had a little more free time over the last two years, but I've realized what I really need is silence," ani Jona.

"I've made it a point to spend quiet time with God, nature and myself over the last few months, and I've learned and realized a lot of valuable lessons in life and started to be more accepting, patient, kind and gentle with myself during those quiet moments, together with the help of this life changing app like @pray that supports mental and spiritual help by providing daily prayer; guided meditations for different life topics; inspirational stories and podcasts; and bedtime bible stories as voiced by familiar faith leaders, and celebrities like the one I look up to, Tito @garyvalenciano," aniya.

"This app helps me a lot especially when I feel a little overwhelmed by things and events in life. I find this deeper connection again with God, that despite all the loss and all the challenges, there are still a LOT of things to be thankful for."

Larawan mula sa IG/Jona Viray

Sa comment section naman ay nagkomento ang minention niya na si 'Mr. Pure Energy' gary Valenciano, na lately ay absent din sa ASAP Natin 'To, at pinag-usapan pa ang 'major decisions' na gagawin niya, bagay na nilinaw ng kaniyang misis na si Angeli Pangilinan, na ito ay sa personal at hindi propesyunal na aspeto ng buhay niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/16/gary-valenciano-humihingi-ng-dasal-para-sa-major-decisions/

"Thank you so much my friend. Let’s keep praying for each other, for our families, our fiends, our country, and for ourselves," ani Gary. "God bless you more my dear friend."

Sa comment section naman, bumaha ng panawagan mula sa kaniyang mga followers na sana raw ay bumalik na siya sa ASAP dahil marami na ang nakaka-miss sa kaniya.

Samantala, wala pa namang pahayag ukol dito ang singer.