How true na papaubos na raw ang ipong 'andabels' o pera ni Kylie Padilla dahil walang maibigay ang kaniyang ex-mister na si Aljur Abrenica?

Iyan ang pinag-usapan sa entertainment vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi, Tita Jegs at Dyosa Pockoh. Ayon kay Ogie, may nag-chika sa kaniya na isang 'reliable source' na papaubos na umano ang savings ni Kylie.

Matatandaang naging kontrobersyal din ang pinsan ni Kylie na si Princess Paulino, na umano ay may utang pa si Aljur kay Kylie, at ang aktres din ang nagpapaluwal ng kanilang perang gagastusin kapag walang maiabot si Aljur. 'Depleting' umano ang savings ni Kylie, at aabot na lamang daw sa ₱6M, hanggang nga sa magkahiwalay na sila.

“Hindi naman natin syempre puwedeng husgahan si Aljur na wala siyang ginagastos bilang padre de pamilya 'di ba? Kasi that time kasama ko siya sa Sandugo so kumikita pa si Aljur,” depensa naman ni Ogie sa panig ni Aljur na nakasama niya sa panghapong teleserye ng ABS-CBN noong 2019, kasama sina EJ Falcon, Cherie Pie Picache, Vina Morales, at iba pa.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Isa pa sa mga napag-usapan nila ay ang bahay ng mag-asawa sa Scout Fuentebella, Quezon City na nabili nila noon sa radio personality na si Kaye Dacer. Tanong nila, nabayaran na kaya ang outstanding balance na ₱1.3M sa naturang bahay?

"Noong pumasyal ako dati sa bahay ni Aljur at nakita ko si Kylie, sobrang abala si Kylie sa pag-aalaga ng mga bata. Tama naman si Kylie, parang napagod ‘yung katawan niya dahil magkasunod na taon, eh, nanganak siya, pagbabahagi ni Ogie.

"So that time hindi ko alam kung naibenta na ni Aljur ‘yung bahay dito sa Scout. ‘Yung bahay na ‘yun nabili niya kay Kaye Dacer tapos binebenta ni Aljur kaya noong nakita ko ‘yung bahay ni Aljur okay naman siya."

At sa nangyayari umano sa mag-asawa, hindi pa tiyak kay Ogie kung naibenta o napaghatian na raw ba ng mag-asawa ito.

Para kay Ogie, bagama't maituturing na 'pasabog' ang bawat araw sa kuwento ng hiwalayan nina Kylie at Aljur, nakalulungkot pa rin ang mga nangyayari dahil sa huli, kawawa ang mga anak nila.

“Ay naku, mag-isip kayong (Aljur at Kylie) mabuti promise!” nasabi na lamang ni Ogie.

Samantala, abangers na ang mga Mosang at Maritess sa magiging 'tell-all interview' ni Kylie sa batikang journalist na si Jessica Soho sa 'Kapuso Mo Jessica Soho' o KMJS sa Oktubre 24.