Nagpahayag na rin ng kaniyang 'unsolicited advice' ang tita ni Kylie Padilla na si BB Gandanghari tungkol sa kinasasangkutang gusot ngayon ng pamangkin at Aljur Abrenica.

Natanong kasi si BB ng isang follower sa Instagram, kung ano ang maipapayo niya sa dalawa, lalo't pareho silang nagpupukulan ngayon ng putik sa isa't isa.

Sinabi ni BB na sa totoo lamang ay hindi siya aware sa kinasasangkutang isyu ng dalawa, at 'mahirap na umanong mangialam', ngunit kung may maipapayo man siya, sinabi niyang dapat ay sarilinin na lamang ng mag-asawa ang isyu nila dahil may mga anak silang maaaring maapektuhan nito in the near future.

“Ang paghihiwalay is not a joke…masakit ‘yan. If there’s one thing, ang masasabi ko, try to keep your dirty linens in the washroom, if you know what I mean…” aniya.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

“Kasi may mga anak kayo. I think that’s what you need to think about now, kasi, of course, ‘yun nga may mga bata. ‘Yun lang.”

Si BB ay nasa Amerika ngayon at mag-isang namumuhay. Siya ay dating si Rustom Padilla na kapatid ni Robin Padilla, na ama naman ni Kylie.