Inamin ni Aljur Abrenica na nagkamali siya sa ginawa niyang 'pasabog Facebook post' na nagsisiwalat na si Kylie umano ang naunang mangaliwa at magtaksil sa kanilang relasyon, na nagbunga ng iba't ibang reaksyon sa kanilang mga kaanak, naging laman ng mga balitang showbiz, at naging usap-usapan ng mga Mosang at Maritess.

Sa naging media press conference ni Aljur para sa pelikulang 'Manipula', sinabi ni Aljur na talagang minahal niya si Kylie.

"And I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko yung babaeng 'yon," pagbibigay-diin ni Aljur na ang tinutukoy ay ang ex-misis.

Kaya naman, agad niyang binura ang Facebook post niya na dala lamang daw ng simbuyo ng damdamin.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

"I valued our family more than anything. So I was really affected no’ng nangyari yon (split). And (out of) respect, sana, di ba, pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako.”

“Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam ko naman kung bakit kayo nagtatanong at gano’n kaapektado ang mga tao dahil sinubaybayan niyo yung pagsasama namin ni Kylie,” aniya.

Hangad ni Aljur na maayos na ang gusot na ito alang-alang sa kanilang mga anak na sina Alas at Axl.