Posible umanong magtatambal sina presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 national elections.

Ito ay matapos aminin ni Duterte-Carpio na nagkita sila ni Marcos sa isang private event sa Cebu nitong Sabado ng umaga.

Mismong ang alkalde ang nag-post sa social media sa larawan nila ni Marcos habang dumadalo sa birthday party ni Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez.

“Confirmed po na nagkita kami ngayon lang ni Presidential aspirant at former Senator BBM sa masayang pagdiriwang ng birthday ni Cong. Yedda, maybahay ni House Majority Leader Martin Romualdez sa Cebu,” ang bahagi ng Facebook post ni Duterte-Carpio.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Sa tulong ng social media, naging bukas ang mga supporters nina Duterte-Carpio at Marcos sa pangarap nilang posibleng pagtatambal ng dalawa sa susunod na eleksyon.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang anunsyo sina Duterte-Carpio at Marcos kaugnay ng usapin.

Dennis Principe