Kung kadalasan mayamang kultura o tradisyunal na kasuotan ang inspirasyon sa kategoryang national costume (NatCos) category sa mga pageants, kakaiba naman ang presentation ng isang kandidata sa naganap na Miss Intercontinental NatCos show.

Kakaiba ang naging national costume ni Cassidy Boel, delegada ng bansang Belgium sa naganap na Miss Intercontinental 2021 NatCos show nitong Biyernes, Oktubre 22.

Hango kasi sa Belgian fries ang costume nito na sikat na pagkain sa pinagmulang bansa.

Dahil dito, hindi nakaligtas sa masugid na pageant fans mula sa Pilipinas ang nakakatakam na NatCos ni Miss Belgium.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Sa isang pageant community, bumuhos ang kwelang komento ng mga Pinoy sa Belgian fries-inspired.

“Parang nutrition month lang.. Para sa grades kaya sumali,” nakakatawang komento ng isang pageant follower.

“Wala yan sa camote queue,” dagdag pa ng isa.

“Dapat waffle nalang eh hahahaha.”

Suhestyon pa ng isang fan, dapat bansang France na ang nagsuot ng costume para saktong “French fries” ang get-up ng kandidata.

Samantala, hinangaan naman ng Pinoy fans ang national costume ng pambato ng Pilipinas na si Cinderella Obenita na hango sa mythical goddess na "Diwata."

Cinderella Obenita via Bb. Pilipinas Facebook Page

Nakatakdang ganapin sa Oktubre 29 ang coronation night ng Miss Intercontinental 2021 sa bansang Egypt.