Mukhang hindi pa rin humuhupa ang pagpapatutsada ni Kylie Padilla sa social media.

Matapos ang bardagulan nila ni Cristy Fermin, na binura din niya matapos ang pagbuwelta nito sa kaniya, panibagong cryptic post na naman ang pinakawalan ng kontrobersyal na aktres sa kaniyang tweet nitong Oktubre 22 ng gabi.

"Of course you pit two women against each other. That’s your game. Sorry it’s not mine. I wish you love and happiness. Next time keep my mother out of it. Love and light," ayon sa tweet ni Kylie.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Kylie Padilla (Screengrab mula sa Twitter)

Marami sa mga netizens ang humulang para ito kay Cristy Fermin. Iba-iba naman ang naging reaksyon dito ng mga netizens.

"Bata pa lang ako chismosa na 'yan si Cristy Fermin eh. Until now ganoon pa rin siya. Iyan kasi ikinabubuhay niya, ang manira ng buhay nang may buhay!"

"Ganyan talaga ang buhay ng showbiz personalities. Kylie, dapat alam mo na taong showbiz ka kaya pakikialaman talaga ng mga tao ang buhay mo, kasi you are considered a public person. Ngayon, trabaho naman ni Cristy na ilantad sa publiko ang tungkol sa mga nangyayari sa inyo, as showbiz personalities nga. Pero 'yun lang, sana lang totoo at reliable ang mga inilalahad nila sa publiko kasi kawawa rin kayo kung mahuhusgahan kaagad ng mga tao."

"Legit! Naalala ko ang lala niya noon kay Aubrey Miles, kasi tinago niya na may anak na siya."

May isa pa ngang Maritess na humamon naman sa ama ni Kylie na si Robin Padilla, na ipagtanggol naman ang anak.

"Robin Padilla, HAHAYAAN MO NA GANITUHIN ANAK MO????????????? REGARDLESS KUNG ANONG NAGAWA NI CRISTY FERMIN SA 'YO. SOBRA NA PAMBABASTOS SA ANAK MO DAHIL SA GINAWA NG MATANDA NA 'TO."

Sa darating na Linggo, Oktubre 24, ay magsasalita na si Kylie sa lahat ng mga intrigang ipinupukol sa kaniya, sa panayam na gagawin ni Jessica Soho na mapapanood sa award-winning news magazine show na 'Kapuso Mo Jessica Soho'.