Hindi alintana ng magjowang Julia Barretto at Gerald Anderson ang pagkakagulo ngayon ng mga Maritess dahil sa nakawiwindang na isyu sa pagitan ng mag-ex na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, dahil enjoy na enjoy at malayang-malaya silang ipinakita ang sweetness sa publiko, habang nagbabakasyon sa Boracay.

Matatandaang naging kontrobersyal din ang relasyon ng dalawa dahil inakusang 'third party' si Julia sa nawasak na relasyon noon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Si Bea, masaya na rin ngayon sa boyfriend na si Dominic Roque.

Bagama't hindi pa rin tinatantanan ng mga mapanghusga at hindi maka-move on na mga Maritess, masasabing mas malaya na ngayon sina Julia at Gerald sa pagpapakita at pagpapahayag ng kanilang nararamdaman sa isa't isa, batay nga sa mga social media posts ng dalawang love birds.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Julia Barretto at Gerald Anderson (Larawan mula sa IG)

Speaking of sweetness, talaga nga namang 'malikhain' at mabilis mag-isip ang mga Mosang at Maritess dahil napaghambing pa nila ang litrato nina Julia at Bea na nakahalik sa pisngi ng kani-kanilang mga jowa: 'who did it better' daw, ayon sa isang showbiz Facebook page.

Nagsimula ang intriga ng ugnayan nina Julia at Gerald nang magkatambal sila sa pelikulang 'Between Maybes' noong 2019.