Mainit na pinag-uusapan ngayon ang maaanghang na pahayag na binitiwan ni Kylie Padilla laban sa batikang showbiz columnist at radio program host na si Cristy Fermin, matapos nitong sabihin sa radio program na may 'katawagan' talaga si Kylie tuwing madaling-araw, batay umano sa kaniyang reliable source. Sinabihan pa niya ang radio show host na 'ang tanda na' ngunit mapagggawa pa rin ng isyu kaya kailangan nitong mag-grow up.

Samantala, pinaulanan naman ng papuri ni Cristy ang inaakusahang 'third party' sa relasyong Aljur at Kylie na si AJ Raval, matapos nitong maglabas ng video message na humihingi ng dispensa sa lahat ng naapektuhan at nasaktan sa ginawa niyang pag-share sa pasabog Facebook post ni Aljur noong Oktubre 19, lalong-lalo na kay Kylie.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/21/aj-raval-pumalag-na-hindi-ako-kabit-hindi-ako-home-wrecker/">https://balita.net.ph/2021/10/21/aj-raval-pumalag-na-hindi-ako-kabit-hindi-ako-home-wrecker/

Ayon kay Cristy, pinuri niya ang sexy actress dahil marami umanong mga artista na kahit nagkamali na, ay pinili pang 'magmataas ng ihi'.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

"Pinuri ko siya kasi marami pong artista na maling-mali na, matataas pa ang ihi. Marami pong personalidad na buking na buking na pero nagmamalaki at mayabang pa," ani Cristy.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/21/aj-humingi-ng-dispensa-kay-kylie-baka-nga-im-immature-i-need-to-grow/

"Pero heto ang isang AJ Raval, bata pa kung ituturing, pero tinanggap niya ang kaniyang pagkakamali. Humingi siya ng tawad hindi lang kay Kylie kundi sa publiko at sa lahat ng naapektuhan sa kaniyang pagse-share ng ano (FB post) ni Aljur," dagdag pa ng showbiz columnist.

Samantala, binura naman ni AJ ang mga litrato at posts niya sa Instagram, noong Oktubre 21.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/21/aj-magsasagawa-ng-social-media-detox-baka-bumalik-sa-susunod-na-taon/">https://balita.net.ph/2021/10/21/aj-magsasagawa-ng-social-media-detox-baka-bumalik-sa-susunod-na-taon/

Aniya, magso-social media detox muna siya at baka sa susunod na taon na makabalik sa online world.