At nagsanga-sanga na nga ang pasabog na Facebook post ni Aljur Abrenica laban sa kaniyang 'ex-misis' na si Kylie Padilla na nagdulot ng iba pang 'gulo'.

Ang kabardagulan naman ngayon ni Kylie ay ang showbiz columnist at radio program host na si Cristy Fermin, matapos kasing magbitiw ng maaanghang na salita ang aktres laban dito.

"Alam ko kung sino source mo. Wag mong hintaying magsalita ako tungkol sa inyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko… Ano bang makukuha n'yo sa pagsira sa akin? GROW UP. Ang tatanda n'yo na at sana kung sisiraan n'yo ako, totoo mga pinagsasabi n'yo. Mahiya naman kayo sa mga sarili n'yo," ayon sa patutsada ni Kylie kay Cristy sa pamamagitan ng kaniyang social media posts nitong Biyernes, Oktubre 22.

As of this writing ay burado na ang mga naturang social media posts na patutsada sa showbiz columnist at radio host.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Agad namang bumwelta rito si Cristy sa kaniyang radio program.

"Kylie, alam mo. Hindi mo pu-pwedeng manduhan ang mga manunulat kung ano ang kanilang sasabihin at kanilang susulatin. Katulad ko, ako’y isang kolumnista. Hindi mo ako pwedeng diktahan kung ano lang ang gusto mong mabasa mula sa columns ko."

"Kylie bakit wala kang nakuha sa paninindigan ng ama mo? Kapag meron kang sinulat o sinabi, panindigan mo. Isang araw Kylie, tatanda ka rin. Pero alam mo napakasarap tumanda na merong pinagkatandaan. Huwag kang nagagalit sa mga tao na sa palagay mo ay kumakampi sa kabilng panig.”

Hindi pa raw isinisilang ang artistang 'magpapataob' kay Cristy. Mali umano ng 'kinalaban' si Kylie.

“Kylie, hindi pa ipinanganganak ang artistang mag mamando at magdidikta sa akin na kung ano ang dapat ko lang sulatin at sabihin. Sorry sa 'yo, maling puno ang kinahulan mo. Maraming salamat sa 'yo, Ms. Kylie Padilla-Abrenica.”

“Kung gusto mo na puro maganda lang ang tungkol sa iyo ang mababasa mo, magtayo ka ng sarili mong publication. Pero para panghimasukan mo ang buhay naming manunulat, panghimasukan mo ang trabaho ko sa hanay na kinabibilangan ko, hindi kita papayagan. Iisa lang ang puhunan namin, kung kayo ay kagandahan, kami ay kredibilidad. Hindi ko papanakaw sa 'yo 'yun, Kylie Padilla!"

"Kung tunay kang nagmamalasakit at nagmamahal sa mga anak n'yo ni Aljur, dapat ay hindi mo isinapubliko ang mga nangyayari sa buhay n'yo.”

Samantala, burado na rin ang pasabog na Facebook post ni Aljur laban kay Kylie.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/23/aljur-binura-ang-pasabog-facebook-post-laban-kay-kylie/

Makakapanayam naman ni Jessica Soho si Kylie sa 'Kapuso Mo Jessica Soho' sa Oktubre 24.