Patay ang isang 37 anyos na lalaki matapos makipagtalik sa isang 20 anyos na dalaga sa isang motel sa Barangay Carreta sa North Reclamation Area, Cebu City nitong Oktubre 19, 2021.

Ayon kay Police Major Francis Renz Talosig, hepe sa Mabolo Police Station, 2:40 ng madaling araw ng Martes nang matagpuan ang bangkay ng biktimang hindi pinangalanan sa loob ng motel. Hinala nila, inatake umano sa puso ang naturang lalaki habang 'nilalasap ang sarap' sa short-time na kinuha nila ng kasamang dalaga. Salaysay ng dalaga, bigla na lamang itong nahirapang huminga habang 'binibira' siya.

Salaysay ng roomboy na si Jimmy Apolona, 11:40 ng gabi ng Lunes pa nag-check-in ang biktima at ang dalaga.

Ayon naman sa ulat ng Brigada News FM Kalibo, batay umano sa imbestigasyon ay napag-alamang driver ng isang pampasaherong van ang biktima, at may asawa na rin. Sa ngayon, wala pang pahayag ang misis ng driver sa napag-alaman nitong ibang babae ang kasama at pinapasada ng yumaong mister.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae