Matapos isiwalat ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang umano’y katawagan ni Kylie Padilla na dahilan ng hiwalayan nito kay Aljur Abrenica, bumuwelta ang aktres sa 'matandang' kolumnista nitong umaga ng Biyernes.

Tila hindi ikinatuwa ng aktres na si Kylie Padilla sa mga pasabog ni Cristy Fermin kaugnay ng hiwalayan nito sa aktor na si Aljur Abrenica.

Kasunod kasi ng maanghang na social media post ni Aljur laban kay Kylie, lalong naging usap-usapan ang dalawa matapos ang paratang ni Cristy sa umano’y katawagan ni Kylie at suspetsang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa.

“Kahit na madaling-araw, oo, meron siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, ganun-ganun, meron siyang kausap. Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, ‘di ba? Lalaki ‘yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay,” pagsisiwalat ni Cristy sa sariling programa.”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Tila hindi naman ito nagustuhan ni Kylie at bumuwelta na ang aktres nitong Biyernes ng umaga. Sa burado nang Facebook post ng aktres, matapang na binanatan ni Kylie si Cristy.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino ang source mo. ‘Wag nyong hintayin na magsalita ako tungkol sa inyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko,” saad ni Kylie.

“Tignan niyo mga mali niyo sa sarili niyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha niyo sa pagsisira sa’kin? Grow up. Ang tatanda niyo na,” dagdag ng aktres.

Sa huli, umapela ang aktres na kung sisiraan lang naman siya, totoo ang mga paratang na isasapubliko.

“Mahiya naman kayo sa sarili niyo,” ani Kylie.

Matatandaang nadawit din ang pangalan ni JM De Guzman matapos isangkot ni Xian Gaza sa natirang isyu.