Makararanas ng anim na oras na walang suplay ng tubig ang ilang barangay sa Antipolo City ngayong Biyernes, Oktubre 22.

Ito ang abiso ng kumpanyang Manila Water at sinabing kabilang sa maapektuhan ng water interruption angLouiseville Subdivision at Maria Corazon Subdivision sa Barangay Cupang; at sa Sitio Manalite sa Brgy. Bagong Nayon, dakong 10:00 ng gabi.

Paliwanag ng kumpanya, anim na oras na mawawalan ng tubig ang mga nasabing lugar dahil sa line maintenance works sa mga nabanggit na lugar.

Inabisuhan din ng Manila Water ang mga customer nito na mag-imbak ng sapat na tubig bago pa pansamantalang mawala ang suplay nito.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Nel Andrade