Pinayuhan ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ang mga local government unit (LGU) sa labas ng Metro Manila na huwag mangamba kapag kumapos ang suplay ng bakuna sa kanilang lugar.

"If they are lacking the supply, merontayong tinatawag na'day-to-last'na 'pagka-five daysna lang 'yung kanilangday-to-last -- we will provide another somagkakaroon silangsupply good for 15 days or 20 days and then, if they finished jabbing in 10 days, another supply will be coming in," Galvez, paliwanag ni Galvez sa isang panayam matapos salubungin ng grupo nito ang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng oxygen concentrators na donasyon ng Australian government.

Aniya, may nakalatag na silangvaccine distribution strategies alinsunod na rin sa logistical at vaccine handling capacities ng mga lugar na pagbibigyan ng mga bakuna.

Makatutulong aniya ang nasabing estratehiya sa pag-iwas sa pagkasira ng bakuna dulot ng mahinang suplay ng kuryente,vaccine cold-storages, at jab expiration.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

"Our strategy is to deploy all the sensitive vaccine to the urban population wherein there is enough electricity and also there is enough cold-chain system," aniya.

Ang tinutukoy ni Galvez ay ang kinakailangang tamang imbakan ng mga sensitibong bakuna na nangangailangan ngsub-zero temperature, katulad ng Pfizer,Moderna, at Sputnik V.

"We are slowly doing the deployment because we are looking at that possibility and we don't want wastage," sabi nito.

Idinagdag pa nito na alinsunod lamang ang kanilang hakbang sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na iwasan ang pagkasira ng mga bakuna.

Kamakailan, iniulat ng DOH na aabot sa 15,000 doses ng bakuna ang nasira dahil sa hindi tamang lugar na pinag-imbakan at mahabang biyahe patungo sa mga lugar na pinaglaanan ng bakuna.

PNA