Ibinunyag ni Cristine Reyes na may hinanakit at trauma siya sa kaniyang biological mother dahil sa mga naranasan niya sa poder nito noong maliit pa lamang siya.

Kinapanayam ang 'Encounter' star na si Cristine sa podcast ni Liza Florida na ' Eight Billion Project'. Idinetalye ni Cristine na nalaman niyang 'adopted child' siya noong 6 yrs. old siya.

venus imperial – Manila Bulletin
Cristine Reyes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Ang kaniyang foster father na si 'Daddy Metring' ang nagparamdam umano sa kaniya ng pagmamahal mula sa magulang. Natatandaan pa nga umano niya nang sabihin umano sa kaniya ng asawa nitong si Mommy Shirley na hindi siya tunay na anak.

"The next thing I remember, there's a lady entering the house. It was the first time I met her in my memory. I remember my mom pulling me out. I was holding my Daddy Metring tightly. In my head, 'Don't let me go! Don't let me go!' I was crying," kuwento niya.

Nang makasakay na raw siya sa kotse ng kaniyang biological mother, natatandaan umano niya na sinabihan siya nito na kalimutan na ang kinalakhang mga magulang. Tahimik lamang umano si Cristine dahil hindi naman niya kilala ang babae.

Kahit malaki ang bahay na pinagdalhan sa kaniya, mas nanaig pa rin ang kagustuhan ni Cristine na makasama ang kaniyang kinalakhang pamilya. Pakiramdam umano niya, hindi siya belong sa bahay mismo ng kaniyang biological mother.

Ngunit kahit na ganoon, sa palagay ni Cristine ay may kabutihan pa rin sa puso ng kaniyang totoong ina nang magpasya itong kunin siya mula sa adopted family dahil kadugo niya ito.

Habang tumatagal, nararamdaman umano ni Cristine na parang may galit sa kaniya ang ina. Narinig niya umano rito ang ilang mga pahayag na hindi gugustuhing marinig ng sinumang anak mula sa kanilang mga magulang.

"You never should have been born. You're just something else. Your grip was there. I aborted you so many times. You should have died," mga pahayag na hindi lubos-maisip ni Cristine kung paano naatim ng ina na sabihin sa kaniya.

"It was so painful. I grew up hearing that all the time. I came from a very loving family, a happy environment. And then all of a sudden, my life changed. What is this? I had to survive. I was always in survival mode at 6. That's when it started I always wanted to be alone. Because when I'm alone, I'm safe," aniya.

Kaya noong 21 na siya, bumukod na umano siya ng bahay ngunit nagdulot naman ito ng trauma sa kaniya.

Kahit na ngayong may anak na siya, hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng takot kapag naaalala ang kaniyang childhood. Kaya ngayong 32 na siya at strong independent woman, gusto niyang baliin ang 'sumpa' ng kaniyang nakaraan. Ayaw din umano niyang maranasan ito ng kaniyang anak.

Nagpasalamat naman si Cristine sa kaniyang Instagram post.

Cristine Reyes at Liza Florida (Larawan mula sa IG)

"I have been keeping it in since I was a child. I realized it’s time to change and leave everything behind. I hope my story will inspire you and pick up something valuable from my experience in life. #selflove #growthmindset Thank you @eightbillionproject and @lizaflorida for making this interview so easy for me. I gained not just a friend but a family."

Sa isa pang IG post:

"My life has been a roller coaster ride of ups and downs. I hope you can find some learnings from me. It’s time for us to change the view of telling people what’s wrong with him/her instead show compassion and say what happened to him/her. Start learning, share your love and kindness. This is me opening up to all of you my story in this podcast/video with (Eight Billion Project by Liza Florida)."

This image has an empty alt attribute; its file name is image-181-600x535.png
Cristine Reyes at Liza Florida (Larawan mula sa IG)

Nagpahayag naman ng pasasalamat sa kaniya si Liza Florida.

"I can’t thank you enough. You’ve been such a great support and inspiration to me. I know this is just the start. We will do more wonderful things together and will be there to support you on your journey as well. I love you big sis."