Nagmistulang reunion ng grupong Hashtags, ang all-male group na nakilala sa noontime show na 'It's Showtime', ang stag party ni Nikko Natividad bago ang nakatakdang kasal sa kaniyang long-time partner na si Cielo Eusebio.

Present sa naturang party sina Hashtags members Jimboy Martin, Vitto Marquez, Tom Doromal, Wilbert Ross, Kid Yambao at iba pa nilang mga kasamahan.

Ngunit ang pinakaagaw-pansing eksena ay si Zeus Collins na nagbihis-babae at sumayaw pa sa harapan ni Nikko, na nagdulot naman ng katatawanan sa mga netizens. Sa kabuuan ay naging masaya at nakakatawa ang naturang stag party.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hashtags (Larawan mula sa IG/Nikko Natividad)

Hashtags (Larawan mula sa IG/Nikko Natividad)

Hashtags (Larawan mula sa IG/Nikko Natividad)

Hashtags (Larawan mula sa IG/Nikko Natividad)

Ang stag party ay isinasagawa sa isang groom-to-be bago niya iwanan ang pagkabinata.

Ayon kay Nikko sa kaniyang IG post, "Ito ang resulta kapag tinipid ka ng mga kaibigan mo sa STAG PARTY."

Hashtags (Larawan mula sa IG/Nikko Natividad)

Si Nikko Natividad ay unang nakilala matapos tanghaling grand winner sa segment na 'Gandang Lalake' sa It's Showtime. Hindi naglaon, napasama na siya sa tinaguriang 'kilig ambassadors' na grupong Hashtags.

Sina Jon Lucas at Luke Conde naman na dating mga miyembro ay nasa Kapuso Network na. Si Franco Hernandez naman ay sumakabilang-buhay noong 2017 dahil sa drowning incident sa Davao Occidental.