Hindi na kinakaya ng aktres na si AJ Raval ang mga panghuhusgang ipinupukol umano sa kaniya ng mga tao hinggil sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla, na humantong sa pag-aakusa sa kaniya bilang 'kabit' o third party.

Lalo pa itong nadagdagan nang i-share niya rin ang kontrobersyal na Facebook post ni Aljur nitong Oktubre 19 ng gabi, kung saan, inakusahan naman ni Aljur ang ex-misis na ito ang unang nangaliwa at nagtaksil sa kanilang relasyon. Napilitan nang magsalita si Aljur dahil siya ang binibira ng mga utaw, kasama na si AJ.

Sa TikTok video ni AJ, ipinaliwanag na niya ang kaniyang side. Aniya, hindi naman daw sa nakikisawsaw siya sa isyu, ngunit kaya niya ishinare ang FB post ni Aljur ay dahil nais daw niyang depensahan ang kaniyang sarili.

"I'm trying to protect myself and my family also. People are accusing me sa mga bagay na hindi ko naman ginawa… tinatawag akong kabit, tinatawag akong home wrecker… which is hindi naman totoo, wala akong sinirang pamilya at never akong maninira ng pamilya," pahayag niya.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Pati raw pamilya ni AJ ay nadadamay na.

"Noong una, tinatanggap ko pa sinasabi sa akin ng mga tao, pero ngayon, nadadamay na ang pamilya ko, sobrang affected ako, nanay ko nakikita ko na lang umiiyak…"

Kung tutuusin nga raw ay wala siyang pakialam sa isyu nina Aljur at Kylie noon, bagama't naririnig na niya ito, hindi siya naglabas ng pahayag dahil labas naman siya sa isyu.