Matapos ang paglabas ng kontrobersyal na Facebook post ni Aljur Abrenica hinggil sa alegasyon niyang si Kylie Padilla ang naunang nangaliwa at nagtaksil sa kanilang relasyon, agad na naglabas ng kaniyang TikTok video si AJ Raval upang depensahan ang kaniyang sarili mula sa isyu.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/aljur-binasag-ang-katahimikan-si-kylie-ang-unang-nangaliwa/

Lalo kasing nagalit umano ang mga bashers sa kaniya nang i-share niya sa sariling FB account ang pasabog na FB post ni Aljur. Lumalabas umano na 'sawsawera' siya at ginagatungan pa ang sumisiklab na apoy sa pagitan ng dalawang kampo.

Humingi siya ng dispensa sa mga taong naapektuhan at nagalit sa kaniyang ginawa, partikular na kay Kylie Padilla. Aniya, ginawa lamang niya iyon upang protektahan ang sarili mula sa panlilibak at panghuhusga ng mga tao sa kaniya. Ipinagdiinan niyang hindi siya kabit at home wrecker.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/21/aj-humingi-ng-dispensa-kay-kylie-baka-nga-im-immature-i-need-to-grow/">https://balita.net.ph/2021/10/21/aj-humingi-ng-dispensa-kay-kylie-baka-nga-im-immature-i-need-to-grow/

Kaugnay nito, magsasagawa umano siya ng 'social media detox' o hindi muna magiging aktibo sa kaniyang mga social media platforms. Baka sa susunod na taon pa umano siya bumalik nang tuluyan sa online world. Bugbog na umano ang mental health niya.

"Sana matapos na ito kasi bugbog na talaga ang mental health ko. Hindi ko na kaya, so magso-social media detox muna ako, siguro next year na ako babalik sa social media," aniya.

Panghuli, pinasalamatan niya ang mga tagasuporta at nagmamahal pa rin sa kaniya.

As of this writing ay tinanggal na ni AJ ang mga litrato at posts niya sa kaniyang Instagram account. Hindi pa malinaw kung patuloy siyang gagawa at mag-uupload ng mga vlogs sa kaniyang YouTube channel.