Sa inilabas na pahayag ni AJ Raval sa kaniyang TikTok video, humingi siya ng paumanhin sa lahat ng mga nasaktan sa ginawa niyang pag-share sa Facebook post ni Aljur na nagsisiwalat na si Kylie umano ang unang nangaliwa at hindi siya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/aljur-binasag-ang-katahimikan-si-kylie-ang-unang-nangaliwa/

Ayon kay AJ, dala lamang ng emosyon ang kaniyang ginawa dahil kaliwa't kanan na ang panlalait at panghuhusgang ibinabato sa kaniya ng mga bashers.

"I'm very sorry sa mga naapektuhan, sa mga nagalit, I'm really sorry… and also kay Kylie, I'm sorry kung shinare ko yung statement na 'yun," emosyunal na saad ni AJ.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

"It's not my intention to hurt anybody, I was just trying to protect myself. Iyon nga lang, mali yung way ko," dagdag pa niya.

Mukhang 'nahimasmasan' na si AJ dahil nakapag-reflect umano siya na para bang tama ang mga sinasabi ng mga tao sa kaniya na 'she is acting immature'.

"Narealize ko rin na baka nga tama kayo, I'm too immature, and I need to grow. Yes, I'm really sorry sa lahat, sa lahat po na naapektuhan, sa lahat po na nagalit, pasensya na po… at sana, mapatawad ninyo ako."

Pinasalamatan din ni AJ ang mga taong sumusuporta sa kaniya at nagpapadala ng mga encouraging words sa kaniya na huwag magpapaapekto sa mga ipinupukol na intriga sa kaniya.

Matatandaang walang sinabing anumang masamang pahayag si Kylie Padilla laban kay AJ Raval sa kasagsagan ng balitang nagkakamabutihan na sila ni Aljur. Pinagtanggol din ni Kylie si AJ na hindi siya ang third party sa kanilang relasyon ni Aljur.