Tinawag ni Atty. Ferdinand Topacio na '"kangaroo court" ang Senate Blue Ribbon Committee (BRC) at ginagamit lamang umano sa pulitika ang isinasagawang pagdinig nito sa usaping overpriced na COVID-19 medical supplies na idiniliber ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa gobyerno.

“One cannot help but conclude that this inquiry was done only in aid of election. And it was done as a demolition job for the current administration.And it reinforces my belief that it (BRC) is nothing but a kangaroo court," pahayag ni Topacio sa isang virtual na pulong balitaan.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na binatikos ni Topacio ang BRC.

Pinaratangan ni Topacio, abogado ng nakakulong na siPharmally Pharmaceutical Corporation executive Linconn Ong, siSenator Richard Gordon, chairman ng BRC, at iba pan miyembro ng komite, na nagsasabwatan sa pagsasagawa ng pagdinig ng Senado upang atakehinang Duterte administration.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Sa panig ni Gordon, isa lamang ito sa paraan ni Topacio upang makakuha ng mga kliyente.

Ben Rosario