Nasungkit ni Leonardo 'Kodie' Macayan ang titulong 'Mr. Gay World 2020' matapos ang virtual coronation na ginanap nitong Linggo ng madaling-araw, Oktubre 17, na umere sa YouTube channel ng Mr. Gay World Organization.

Nilampaso ni Macayan ang walong kandidato mula sa iba’t ibang bansa. Back-to-back win ito sa Pilipinas dahil ang successor niyang si Janjep Carlos na isang kapwa Pinoy ay ang Mr. Gay World 2019. Si Marek Piekarczyk naman ng Poland ang 1st runner-up, at si Vicente Miron naman ng Mexico ang second runner-up.

PH bet crowned Mister Gay World 2020 – Manila Bulletin
Kodie Macayan (Larawan mula sa Manila Bulletin)

'May nanalo na!' Alden Richards, flinex ng ina ni Kathryn Bernardo

Bukod sa pagiging ttile holder, nasungkit din ni Kobie ang awards na Best in National Costume at Personal Interview Award.

“What a blessing. Congratulations Philippines, we did it! I feel so overwhelmed with love, showing so much gratitude right now. Thank you so much to Mr. Eric Butter and the rest of the Mr. Gay World Organization as well as the accomplished and great judges for choosing me as your Mr. Gay World 2020," pasasalamat ni Kobie sa pamamagitan ng recorded speech.

Inialay ni Kobie ang kaniyang pagkapanalo sa buong LGBTQIA+ community, lalo na sa mga Pilipino.

Si Kodie ang pangatlong Pilipino na nanalo bilang Mr. Gay World. Si John Raspado naman ang unang Pilipinong nag-uwi ng tutilo noong Mayo 2017.

Hindi na bago kay Kodie ang pagsali sa mga pageants. Siya ang grand champion ng 'I Am Pogay' sa It's Showtime noon.