Umaabot na lamang sa 3,656 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa nitong Miyerkules.

Binanggit sa case bulletin #585ng DOH nitong Oktubre 20, 2021, umaabot na ngayon sa 2,735,369 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 2.5% na lamang o 67,061 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso naman, 77.9% ang mild cases, 8.69% ang moderate, 6.8% ang asymptomatic, 4.6% ang severe at 2.0% ang kritikal.

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Nakapagtala rin lamang naman ang DOH ng 228 bagong gumaling sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, umaabot na sa 2,627,331 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.1% ng total cases.

Mayroon lamang limang pasyente ang binawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19, kaya umakyat na sa 40,977 ang COVID-19 death toll ng Pilipinas o 1.50% ng total cases.

Mary Ann Santiago