Hindi na naman nakatulog nang maayos ang mga certified Mosang at Maritess nitong Martes ng gabi, Oktubre 19, dahil sa sunod-sunod n pasabog ng ex-couple na sina Aljur Abrenica, Kylie Padilla, at isama na rin ang 'pagsisiwalat' ni Albert 'Xian' Gaza, at panghuli nga ay pag-share ni AJ Raval sa naturang post ng kaniyang 'special someone' na si Aljur.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/xian-gaza-may-pasabog-sa-hiwalayang-aljur-at-kylie-kapamilya-actor-dinawit-sa-isyu/

Sa naturang mahabang FB post ni Aljur, inispluk niya na ang tunay na naunang nangaliwa at nagtaksil sa kaniya ay si Kylie, kaya hinimok niya ang ex-wife na isiwalat na ang katotohanan, dahil si Aljur umano (at damay si AJ) ang pinapako ngayon sa krus ng mga netizens!

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/aljur-binasag-ang-katahimikan-si-kylie-ang-unang-nangaliwa/

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

"Breaking silence.. Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know. I have no hate for them despite of all the attacks and accusation they have towards me," ayon sa latest Facebook post ng hunk actor nitong Oktubre 19.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga Maritess:

“Parang kang babae na dakdak nang dakdak. Mas mabuting manahimik ka na lang kasi malalaman at malalaman din naman totoo. Di naman kailangan na pagsigawan pa dito pagkakamali ng asawa mo para lang maging malinis ang relasyon mo ngayon. Nakakadagdag pa sa parang naninira ka kay Robin. Agreement ka diyan. So di ka tumutupad sa agreements ninyo para lang kamo sa katahimikan mo?”

“Yung wala kang narinig Kay Kylie pero ikaw ng dahil sa kabet mo na pinagtatanggol mo dahil nababash siya, ipopost mo na c Kylie at sisiraan?"

"Hay naku, pareho naman kayong may kasalanan sa mga nangyari! Ayusin n'yo 'yan!"

"“Huwag mong ibahin ang usapan Aljur, ikaw rin ang may kagagawan kung bakit natapos ang Encantadia.”

“Ayan may twist lagot kayo.”

“Okay class.. Deadline ng reaction paper is on Friday…100 words lang ang limit para mabilis ko ma-check… See you all tomorrow! Stay safe at iwasang kumabet at maging kabet! Bye!”

"Kung ako sa 'yo Aljur humingi ako ng tips kay Paolo Contis paano maglabas ng statement! Medo nahirapan kami basahin! Inenglish mo kami Aljur iba ka! Di gaya kay Paolo malinaw, may numbering pa bawat topic. Ganon dapat!"

May ilang mga netizens na pinagkatuwaan ito at ginawan pa ng memes. May nagtangka pang mag-edit sa grammar ni Aljur, at may iba namang nag-translate pa sa ibang wika gaya ng Batangueno.

Larawan mula sa FB

Larawan mula sa FB