Matapos ang pagbasag ni Aljur Abrenica sa kaniyang katahimikan hinggil sa kaniyang 'side story' sa hiwalayan nila ng misis na si Kylie Padilla, naglabas naman ng pasabog ang social media personality na si Albert 'Xian' Gaza hinggil dito, na ibinahagi niya sa kaniyang mga social media accounts, partikular sa TikTok.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/aljur-binasag-ang-katahimikan-si-kylie-ang-unang-nangaliwa/">https://balita.net.ph/2021/10/19/aljur-binasag-ang-katahimikan-si-kylie-ang-unang-nangaliwa/

Mabilis na nahulaan ng mga Maritess ang latest blind item ni Xian sa kaniyang Facebook post.

"Okay lang kay lalaki na masira siya sa publiko upang maprotektahan niya ang imahe ni babae na siyang ina ng kanyang mga anak. Pero dahil mahal na mahal niya si young actress na wala naman talagang ginawang mali, kailangan na niyang magsalita at ilabas ang katotohanan. Ang malupit do'n, ako ang unang naglabas nito sa publiko… both issues. How? Paano? Simple lang… because my name is XIAN GAZA, ang pinaka-Maritess na lalaki sa bansang Pilipinas," aniya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Xian Gaza (Screengrab mula sa FB)

Marami naman sa mga netizens ang humula na ang tinutukoy niya ay sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sa viral TikTok videos naman niya, idinetalye ni Xian ang dahilan umano ng hiwalayan ng mag-asawa. Aniya, noong 2020 pa raw nagkahiwalay ang dalawa. Talaga umanong nambabae si Aljur. Ang pangalawang issue raw ay 'money matters'. Dahil sa pandemya, wala umanong proyekto sina Aljur at Kylie.

Hindi umano kinaya ni Aljur na maibigay ang pangangailangan ng kaniyang misis dahil 'high-maintenance' ang kanilang lifestyle.

Kahit na ganito, sinubukan umanong ayusin ni Aljur ang kanilang pagsasama subalit nalaman na nga ng media ang tungkol sa kanilang hiwalayan.

Nabanggit din ni Xian sa kaniyang TikTok video na marami umanong mga mayayamang negosyante ang manliligaw ni Kylie kahit na may asawa ito. Lumutang din ang isang tattoo artist kung saan nakita umano itong 'katukaan' ng aktres.

At isa pang pasabog---ang pagkaka-link umano ni Kylie sa Kapamilya actor na si JM De Guzman, bagama't ayon kay Xian, 90% na maaaring hindi totoo at 10% na totoo.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag si Kylie o si JM hinggil sa isyung iniispluk ni Xian Gaza.