Nitong Oktubre 17 ay binasag na ni Alex Gonzaga-Morada ang kaniyang katahimikan hinggil sa kaniyang umano'y miscarriage, sa una sana nilang anak ng mister na si Mikee Morada, dahil sa kaniyang kondisyon ng pagbubuntis na tinatawag na 'anembryonic pregnancy'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/17/alex-gonzaga-binasag-na-ang-katahimikan-hinggil-sa-pagbubuntis/

Mahaba ang naturang Instagram post, kalakip ang litrato ng isang pregnancy test na may dalawang guhit na pula (ibig sabihin ay positibo) at larawan ni Mikee na nakahalik sa tummy ng misis.

Marahil ay sa sobrang excitement, nagpaabot ng pagbati rito sa halip na mensahe ng pakikiramay si Kapuso actor Rayver Cruz, at ang komedyanteng si Candy Pangilinan.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Larawan mula sa FB/Kapamilya Online World

Agad namang binura ni Rayver ang kaniyang komento. Humingi naman ng paumanhin si Candy sa comment section.

Kaya paalala ng mga netizens, 'basa basa rin kapag may time!'