Ibinunyag ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na kinontra ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na mapabilang siya sa listahan ng mga kandidato sa pagka-senador sa ticket ni Vice President Leni Robredo. 

“There were some representatives of the vice president who called me up to discuss that I’m being considered, however there were objections within their, probably their slate or coalition,” ayon kay Colmenares.

Nang tanungin kung sino ang sumalungat upang siya makasama sa senatorial slate ni Robredo, sinabi ni Colmenares na ito ay si Trillanes.

Nagtatangka si Colmenares na makakuha ng puwesto sa Senado sa ika-3 pagkakataon sa ilalim ng maka-kaliwang Makabayan coalition.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Inihayag nito na salungat si Trillanes na mapasama siya sa tiket ni Robredo dahil umano sa pagkakasangkot niya sa communist insurgency at kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, isa sa kalaban ni Robredo sa pagka-pangulo.

“Medyo nadismaya lang ako na sa senatorial slate of the opposition will say these intrigues and lies against fellow opposition candidate. Hindi naman siguro matatawaran na opposition rin kami. Marami na sa amin ang namatay. Marami na sa amin ang nakulong,” ani Colmenares.

Bert de Guzman