Tuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa umano'y overprice na medical supplies na ginagamit sa paglaban sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang tiniyak ni Senator Richard Gordon, chairman ng SenateBlue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa Pharmally Pharmaceutical Corporation na umano'y sangkot sa irregularidad sa bilyun-bilyong kontrata nito sa pamahalaan.

“Tatapusin natin ‘yan at hindi naman importante ‘yung tapusin basta-basta dahil lang nagmamadali ka. Ang kailangan matapos mo nang may kahalagahan, may kalidad ‘yung ginawa mo. Hindi ako namumulitika rito," pagdidiin ni Gordon sa isang radio interview.

"Ang importante, makita ng bayan na puwede tayong mag-imbestiga nang malaya…para malinaw sa tao na dapat matigil na ‘yungpaghuthotsa bayan," pahabol nito.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Nilinaw nito na inihahanda na niya angpreliminary committee report kaugnay ng pananagutan ng mga indibidwal na dawit sa kuwestiyunableng kontrata ng Pharmally sa pamahalaan.

“Malinaw na kung ano ang ginawa…Ito ang mananagot sa anti-graft, sa violation procurement law, sino ba talaga nagpaikot niyan at paanong nangyari 'yan.Kung ano lang ang nakalap namin, ‘yun ang ilalabas," dagdag pa ng senador.

Vanne Elaine Terrazola