Pinuri ng komedyante, writer, at direktor na si John Lapus si Maine Mendoza dahil umano sa mahusay na pagganap nito sa October 16 episode nito sa sitcom na 'Daddy's Gurl' bilang Stacy kasama si Vic Sotto.

Si Sweet kasi ang sumulat ng #DADDYSGURLKapeCritic na umere nitong Sabado. Tweet ni John pagkatapos umere nito, "Susmaryosep! Napakahusay sa comedy ni @mainedcm. Grabe!!!! #DADDYSGURLKapeCritic."

John Lapus (Screengrab mula sa Twitter)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Agad namang tumugon si Maine na unang nakilala bilang isang online sensation, at pagkatapos ay bilang 'Yaya Dub' sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Ibinalik ni Maine ang papuri sa writer ng kuwento para sa naturang episode.

"Hala hindi po, mahusay lang po talaga kayo magsulat, direk! Thank you po for this episode! More to come? Hihi."

John Lapus (Screengrab mula sa Twitter)

Si John Lapus ay freelancer at nakapagtatrabaho sa mga TV networks. Minsan na rin siyang naging Kapuso noon.