Pinutol na ng TNT Tropang Giga ang mga kabiguan nila sa ilang "sudden-death" games nang pulbusin nila ang isa sa pinakamalakas na koponan sa PBA--ang San Miguel Beer, sa kanilang laban sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga, nitong Linggo ng gabi.
Sa iskor na 97-79, tuluyan nang pumasok ang Tropang Giga sa finals, kaya makakatunggali nito ang naghihintay na Magnolia.
Tumulong sa panalo ang TNT sina RR Pogoy, Kelly Williams at rookie Mikey Williams.
Ito ang unang panalo ng TNT sa isang playoff series laban sa SMB mula 2013 Commissioner’s Cup quarterfinals kung saan silanakatikim ng pitong sunud-sunod na pagkatalo sa naturang koponan.
Jonas Terrado