Magpapatupad na naman ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 1.90 hanggang 2.00 ang presyo ng kada litro ng gasolina, 1.40-1.50 sa presyo ng diesel at 1.30-1.40 naman ang idadagdag sa presyo ng kerosene sa Martes, Oktubre 19.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, bunsod ito ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ito na ang ikawalong sunod na linggong oil price increase sa bansa.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Sa loob ng pitong linggong pagtaas ng presyo ng langis, mula sa mga petsang Agosto 31, Setyembre 7, 14, 21, 28, Oktubre 5 at 12, umabot na sa kabuuang8.15 ang nadagdag sa diesel,6.75 sa kerosene at5.40 naman sa gasolina.

Bella Gamotea