Hanggang ngayon ay espekulasyon pa rin kung ano ang namamagitan kina Nadine Lustre at rumored boyfriend nitong si Christophe Bariou, na madalas nang nakikitang magkasama sa isang beach sa Siargao, at sa isang mall habang magkahawak-kamay.

Hindi pa nagbibigay ng kumpirmasyon si Nadine dahil para umanong 'what-you-see-is-what-you-get' ang peg ng aktres, sa mga nakakakitang mga utaw sa kanila.

Sa panibagong chika ngayon sa social media, mukhang ipinakilala na umano ni Nadine si Christophe sa kaniyang amang si Ulysses Lustre. makikita umano sa isang buradong larawan na magkakasama sila. May caption umano itong 'Nice meeting you'.

Tanong ng mga netizens, ano pa raw ba ang itinatago ni Nadine gayong bantad na sa publiko ang sweetness nila ni Christophe, na isang French businessman?

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon naman sa mga JaDine supporters, mukhang humahanap lamang ng proper timing ang aktres dahil syempre, umaasa pa rin ang kanilang mga tagahanga na muli silang magkakabalikan ni James Reid, at sila pa rin hanggang 'forever'.