Nasorpresa at naging emosyunal si Bea Alonzo dahil sa birthday video message para sa kaniya ng itinuturing niyang 'tatay' sa showbiz, at unang taong nagtiwala umano sa kaniya, noong nagsisimula pa lamang sa showbiz.

"I want to wish you a very happy birthday. Alam mo naman, hindi ako gumagawa nito, yung mga ganito… But then for you, special ka, you're special to me," ayon sa star builder na si Johnny 'Mr. M' Manahan, sa morning talk show na 'Mars Pa More' nitong Oktubre 14 kung saan guest si Bea at binigyan ng advance birthday celebration. 34 na ang mahusay na aktres sa darating na Oktubre 17.

“And I hope you have a very nice birthday and very successful career here at GMA. Love you.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bea Alonzo at Johnny 'Mr. M' Manahan (Screengrab mula sa YT/Mars Pa More)

Naging emosyunal si Bea dahil si Mr. M umano ang gumabay sa kaniya sa loob ng halos 2 dekada niya sa showbiz, lalo na noong nagsisimula pa lamang siya.

Si Mr. M ang co-founder at chairman emeritus ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN. Pareho na sila ni Bea na nasa GMA Network na.