May binitiwang pangako ang batikang direktor na si Direk Mae Cruz Alviar sa mga abangers at nasasabik na tagahanga ng KathNiel, para sa pagbabalik-telebisyon nila, sa teleseryeng '2 Good 2 Be True'.

"We will do our best to offer a project that will give people a breather from what they are going through right now. This is our mission. This is our vision. And this is what we will aim to do," aniya.

"I promise we will take care of all of you. For us, whether ang reason na ito ay for work or out of gusto natin maka-entertain, we are all in this together," dagdag pa niya.

Ang huling proyektong pinagtambalan ng real-life couple ay 'The House Arrest of Us'. Bago magpandemya, naging matagumpay ang pelikulang 'Hello, Love, Goodbye' ni Kathryn na ang katambal ay si Asia's Multimedia Star Alden Richards na naiprodus naman ng Star Cinema.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang serye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay ipo-produs ng RGE Unit ng ABS-CBN Entertainment, na nagprodus ng 'Bagong Umaga', 'Ipaglaban Mo', 'Nang Ngumiti Ang Langit', at 'Pamilya Ko'.