Arestado ang isang online seller at kasama nitong babaematapos makumpiskahan ng 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng₱1,360,000 sa Parañaque City, kamakailan.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Chief, Brig. General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sinaHanan Tampipi, 19, online seller, at taga-San Pedro, Laguna; at Norayna Nanding, 19, taga-Parañaque City.

Sa police report, dinampot ng pulisya ang dalawa sa ikinasang buy-bust sa Brgy. San Antonio ng naturang lungsod, nitong Miyerkules, dakong 6:00 ng gabi.

Nasamsam sa mga suspek ang iligal na droga, marked money at mga personal na gamit.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nahaharap sina Tampipi at Nandingsa kasong paglabag sa ComprehensiveDangerous Drugs Act of 2002.