Pinag-usapan ng mga netizens ang latest Instagram post ng kontrobersyal na Viva sexy actress na si AJ Raval.

Makikita kasi sa kaniyang ibinahaging litrato na may nakaputong na korona sa kaniyang ulo, bilang bahagi ng kaniyang photo shoot para sa isang skin care endorsement.

Larawan mula sa IG/AJ Raval

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At dahil likas ang pagiging 'malikhain' ng mga Pinoy, nagbigay ng reaksyon ang mga netizens sa maaaring kahulugan ng korona.

Kamakailan kasi, may mga memes na lumabas na makikita sa iisang litrato sina Julia Barretto, Heaven Peralejo, at Yen Santos. Makikita rito na ipinapasa ni Yen Santos kay AJ ang korona. Kasagsagan ito sa isyu ng umano'y 'espesyal' na ugnayan nina AJ at Aljur Abrenica.

Yen Santos passes crown to AJ Raval (w/ Heaven & Julia) meme goes viral
Larawan mula sa FB)

"Ang bagong reyna sa puso ni Aljur."

"Wala na finish na, pinasahan na siya ng korona. Ikaw na talaga, Queen AJ!"

"Gandang babae pero… sana yung walang sabit na lang?"

"Ikaw na teh! Nasa iyo na ang korona!"