Marami ang kinilig, natuwa, at nagandahan sa prenuptial photo shoot ng engaged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay na ibinahagi nila sa kani-kanilang mga Instagram accounts, na kinunan pa sa isang bundok sa Anilao, Batangas noong Setyembre.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/13/prenup-photo-shoot-nina-derek-at-ellen-ibinida-cant-wait-my-love/

Makikitang ang kanilang naging venue ay kalikasan, partikular sa talahiban o matataas na damo, at ang ilan naman ay sa kotse. 'Forever D' at 'Forever E' naman ang naging tawagan nila sa isa't isa, na inisyal ng kanilang mga pangalan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ellen Adarna at Derek Ramsay (Larawan mula sa IG)

Ellen Adarna at Derek Ramsay (Larawan mula sa IG)

Ang wedding coordinators nila na 'La Belle Fete Weddings' ang nag-ayos ng pre-nup photoshoot. Ang nag-style sa kanila ay sina Rain Dagala and Em Millan, katuwang sina Elaine Villapando at Rioliza Camantigue.

Ang naging designers naman ng kanilang mga isinuot ay sina Rajo Laurel, Neric Beltran, Marc Rancy, Ushisayo, at Ryan Chris.

Sina Raymond Santiago (hair), Jigs Mayuga (make-up), at Mimi Qiu Reyes (nails) naman ang bumubuo ng glam team.

Habang karamihan sa mga natatanggap nilang feedback ay positibo, may mga bashers pa rin talaga na mahilig mang-basag-trip sa kasiyahan ng ibang tao, lalo na sa mga celebrities.

Komento ng isang basher, "“Hope you will last forever. knowing Derek how he is," na para bang kilalang-kilala nito ang aktor.

Talak ni Ellen: "You know him personally? Close ba kayo???”

Hindi na nakapalag ang basher dahil hindi na ito sumundot ng komento.

Naging engaged sina Derek at Ellen nitong Marso 30, 2021. Inanunsyo nila ang pagiging couple nitong Pebrero 4, 2021. Nakatakda umano ang kasal sa darating na Nobyembre 2021.