Ipinagdiwang ni ABS-CBN field reporter at multi-platform journalist Jacque Manabat ang kaniyang kaarawan nang kakaiba at makahulugan.

Sa halip kasi na maging lubusang masaya ang kaniyang birthday celebration, hindi ganap ang kaniyang pagsasaya dahil sa pananalasa ng bagyong Maring sa gawing Norte ng Pilipinas, at isa sa mga naapektuhan dito ang Baguio City.

Batay sa tweet ni Jacque nitong Oktubre 14, ipinasya niya umanong umakyat ng Baguio City sa araw ng kaniyang birthday, Oktubre 13, kung saan daw siya nagsimulang mangarap, 'kung saan nagsimula ang lahat.' Kamakailan lamang ay marami siyang agam-agam sa kaniyang sarili; na pakiramdam niya ay hindi siya sapat, o hindi sapat ang kaniyang ginagawa sa larangang pinili niya.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

Image
Jacque Manabat/Larawan mula sa Twitter

"On my birthday, I went back to where I started my journalism career-Baguio City," aniya sa mensaheng ibinahagi sa kalakip na photo message.

"Few days ago, I was questioning the timeline I've set for my goals. I felt that I'm not doing enough. I was not enough."

Pero naisip ni Jacque na may iba pang mga tao na may mas malalim pang kinahaharap na problema, gaya ng mga napabalitang nawawalang bata dahil sa bagyo. Kaya ang naging birthday wish niya, hindi na lamang para sa kaniyang sarili, kundi para sa mga magulang na nag-aalala sa kanilang mga anak.

"Witnessing the heartbreaking scenes at the news coverage on my birthday, I asked God for a gift- for the missing children to be found."

At laking pasasalamat niya dahil, "The children were found."

Napagtanto umano niya kung bakit ibinigay ng Diyos ang kaniyang birthday wish bilang regalo para sa kaniya- parang nais siyang pabalikin sa kaniyang 'WHYs'.

"I realized, God answered me on my birthday. He wants me to go back to my WHY. That is why I am back to where I started. I am reminded WHY I started- I want to make a difference."

Pinasalamatan ng journalist ang mga taong bumati sa kaniya at naging bahagi ng kaniyang 'WHYs'.