LAGUNA- Tatlo ang patay at isa ang sugatan nang araruhin ng isang trailer truck ang dalawang service jeepney na nakatigil sa Northbound Lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Cabuyao, Laguna, Huwebes ng madaling araw.

Batay sa report ng Regional Highway Patrol Unit -IVA, (RHPU-4a) naplatan ng gulong ang cargo jeepney na minamaneho ni Joseph Agdan, residente ng Rosario, Batangas, kaya huminto ito sa Lane 3 ng SLEX bandang alas 2:50 ng madaling araw.

Agad namang inasistihan ito ng kasunod nitong isa pang jeep na minamaneho ni Limuel Rosales, 31, na taga-Rosario, Batangas, na tumigil sa shoulder lane sa unahan ng nasiraang jeep.

Subalit dahil nasa gitna, hindi ito agad napansin ng paparating na tractor head trailer truck na minamaneho ni David Caquilala atsinalpok ang hulihang bahagi ng jeep ni Agdan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa lakas ng impact naitulak ito papunta sa isang jeep ni Rosales.

Parehong nasugatan ang dalawang driver at isinugod sa Calamba City Medical Hospital, subalit idineklarang dead on arrival si Agdan.

Nasawi rin ang dalawang pahinante ng jeep na si Marco Rosales at Michael Mendoza.

Nasa kustodiya ng city police ang driver ng truck at sasampahan ng kasong kriminal.