Marami ang nakapanood sa nakaraang episode ng 'Reina ng Tahanan' sa "It's Showtime," nang maging contestant sa segment na Reinanay ang isang bungi.

Bilang choosegado, bentang-benta ang mga hirit na jokes ni Ruffa lalong-lalo na kina Amy Perez at Janice de Belen.

Sabi ni Janice,"Pinag-uusapan namin ni Tyang Amy kung iba yung mag-statement noong 'bungi,' may ma-ooffend. Pero kapag si Ruffa, nakakatuwa."

Ayon pa kay Janice, tungkol ito sa naging komento ni Ruffa noong Biyernes (Oktubre 8) sa isang ReiNanay contestant na "bungi pa nambababae" pa ang dating kinakasama nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tinanong naman ni Ruffa kung ano ang mali sa kanyang sinabi. Ipinaliwanag ni Janice na kung ibang tao ang nagsabi nito, at sa ibang paraan niya ito sasabihin, ay baka na-bash na.

Sabi ni Ruffa,"We will say it in a different way and with a different mindset. Ikaw kasi, it's just so funny," sabi niya. Dagdag naman ni Amy, "Pero yang si Ruffa masaya kasama. Only Ruffa can do that."

Hindi lang naman ang mga hurado ang tuwang-tuwa sa mga hirit ni Ruffa. Bentang-benta rin ang kanyang mga hirit sa netizens. Samantala, umuwing Reinanay of the week naman si Donabelle Gatchalian matapos niyang makakuha ng 93.3% combined scores mula sa choosegados na sina Janice, Ruffa, at Lara Quigaman Alcaraz.

Ador V. Saluta