Mukhang tuloy na tuloy na nga ang kasalang Derek Ramsay at Ellen Adarna, dahil matapos nilang mamahagi na ng mga imbitasyon, ibinahagi na rin ni Ellen ang kanilang pre-nuptial photoshoot.

Makikita sa kani-kanilang mga Instagram posts ang kanilang pre-nuptial photos, na kinunan ng mga wedding photographers na sina Pat Dy at Chissai Bautista sa Anilao, Batangas. Kinunan umano ito noong Setyembre.

Makikitang ang kanilang naging venue ay kalikasan, partikular sa talahiban o matataas na damo, at ang ilan naman ay sa kotse. 'Forever D' naman ang naging tawagan nila sa isa't isa.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Derek Ramsay at Ellen Adarna (Larawan mula sa IG/Ellen Adarna)

Ang wedding coordinators nila na 'La Belle Fete Weddings' ang nag-ayos ng pre-nup photoshoot. Ang nag-style sa kanila ay sina Rain Dagala and Em Millan, katuwang sina Elaine Villapando at Rioliza Camantigue.

Ang naging designers naman ng kanilang mga isinuot ay sina Rajo Laurel, Neric Beltran, Marc Rancy, Ushisayo, at Ryan Chris.

Sina Raymond Santiago (hair), Jigs Mayuga (make-up), at Mimi Qiu Reyes (nails) naman ang bumubuo ng glam team.

Naging engaged sina Derek at Ellen nitong Marso 30, 2021. Inanunsyo nila ang pagiging couple nitong Pebrero 4, 2021. Nakatakda umano ang kasal sa darating na Nobyembre 2021.