Kaugnay ng paghingi ng showbiz columnist na si Manay Lolit Solis ng dispensa sa mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada dahil sa 'malisyosong' pahayag niya na nakunan si Alex at ayaw ibunyag sa publiko kundi sa vlog para mapagkakitaan, binuweltahan naman niya ang mga bashers na patuloy na nagbibitiw ng mga salitang hindi magaganda laban sa kaniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/12/lolit-solis-sa-mag-asawang-alex-at-mikee-i-deeply-apologize/

Aniya, tanggap naman niya kung sasabihan siya ng tsismosa at mukhang pera, lalo na kung hindi naman niya kakilala, at hindi rin siya kakilala nang buo. Nagbigay naman siya ng payo para sa kanila. Aniya, puwede naman daw magalit pero sana ay may respeto pa rin, tipong sosyal at mukhang edukado pa rin ang dating.

"Sana, bashers can use more respectable words, puwede naman magalit nang sosyal pa rin ang dating, mukhang edukado pa rin. Or baka naman dahil nga tsismosa ako, mukhang pera at bobo, kaya mga bashers ko ganoon din 'di ba? Baka naman dahil squatter ugali ko, squatter din mga bashers ko, hah hah," pahayag niya.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Mikee Morada at Alex Gonzaga (Larawan mula sa IG/Lolit Solis)

"Kasi ang sarap basahin pag constructive ang comment, maganda language ginagamit. So, ok, tanggap ko na rin, sabi nga nila, I don't deserve respect, pero the way they treat me, meron ba silang respeto sa sarili nila? Parang mga bully sila na ang gamit na language kanto boys, parang kung ano atake nila sa akin, iyon din sila."

"Sama-sama na kaming mga tsismosa, mukhang pera at bobo. Ako si Lolit Solis, at ang mga bashers ko, bow!!"