Ibinida ng 'hot momma' na si Sunshine Cruz sa Instagram post ang mga espesyal na bagay na ginawa niya sa kaniyang mga junakis sa dating mister na si Cesar Montano.

"Always grateful for these girls. Our crochet tops made with love by yours truly," ani Sunshine. Ibinahagi niya ang larawan nila ng kaniyang 'Tres Marias' na sina Angelina, Samantha, at Angel habang suot nila ang kanilang homemade crochet tops, na siya mismo ang gumawa batay sa isang YouTube channel. Napa-wow naman ang mga netizens dahil parang magkakapatid lang daw sila.

Larawan mula sa IG (Sunshine Cruz)

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

Larawan mula sa IG (Sunshine Cruz)

Larawan mula sa IG (Sunshine Cruz)

Larawan mula sa IG (Sunshine Cruz)

Sa isa pang Instagram post, hinikayat niya ang kababaihan lalo na ang mga momshies na gaya niya na huwag hihinto sa pagpapaunlad sa kanilang mga sarili. Maaari umanong gawing negosyo ang mga hobbies gaya ng crocheting.

"Encouraging you ladies to learn something new. We can turn our hobbies into a business," aniya.

Larawan mula sa IG (Sunshine Cruz)

"Especially during this very difficult time that we are facing, let us beat idle moments by being productive. Beating anxiety and ensuring self growth!"