Sabi nga, kapag ang isang babae raw na nanggaling sa hiwalayan ay nagpaputol o nagpabawas ng buhok, nangangahulugan daw ito na naka-move on na siya mula sa heartbreaks na kaniyang pinagdaanan.

Well, sa kaso ni Kylie Padilla, hindi lang siya nagpabawas kundi nagpakulay rin siya ng buhok, batay sa kaniyang latest social media posts. Pinusuan ng mga netizens na kaniyang tagasuporta at tagasubaybay ang bagong hairstyle at hair color niya.

"Thank you @hairshaftsalon for my lavender hair," ayon sa caption.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB at IG/Kylie Padilla

May be a closeup of 1 person and eyeglasses
Larawan mula sa FB at IG/Kylie Padilla

May be a closeup of 1 person
Larawan mula sa FB at IG/Kylie Padilla

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB at IG/Kylie Padilla

Narito naman ang komento ng mga netizens.

"Iyan ang Kylie namin! Super beautiful and such a strong woman! Ipakita sa kanila na you nailed it!"

"Just curious though, it must be a shocker when you cut your precious lock of hair to a shortie. No matter what, you are still a looker. Take care Kylie! Good luck to your new endeavor. Sending hugs to the boys!"

"Glow up po talaga Ate Kylie ganda-ganda n'yo po, stay safe po."

"Sana maglaway yung nang-iwan sa iyo at ipinagpalit ka sa… hay naku, ayaw ko na lang mag-talk!"

Noong Oktubre 1, isang tweet ang pinost ni Kylie na nagsasabing tuluyan na siyang naka-move on sa mutual decision nila ni Aljur Abrenica na maghiwalay na at maging co-parents na lamang sa kani-kanilang mga anak.

"Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this," aniya sa tweet.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/02/kylie-padilla-sa-pagkakaugnay-ni-aljur-kay-aj-raval-there-is-no-issue/

Sa isang chat room naman ka-bonding ang kaniyang mga tagahanga, nakiusap siya na tantanan na sana sila ni Aljur dahil napag-usapan na nilang puwede na silang makipag-date sa iba, kaya walang isyu sa kaniya kung dine-date o nililigawan na nito si AJ. Hindi rin umano si AJ ang third party sa kanilang relasyon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/10/anong-say-ni-kylie-padilla-sa-aj-aljur-affair/

Ni-like pa nga niya ang litratong kumakalat ngayon sa social media na makikitang magkahawak-kamay habang naglalakad sa isang mall ang mister, at ang nauugnay rito ngayon na si AJ Raval.