Nitong Oktubre 12, 2021 ay opisyal at pormal nang ipinakilala ang batikang news anchor na si Karen Davila bilang isa sa mga main news anchors ng 'bagong' TV Patrol, kasama sina Henry Omaga Diaz, Bernadette Sembrano, at Gretchen Fullido para sa showbiz news.

Hindi na bago ito kay Karen dahil isa siya sa mga naging news anchors ng 'TV Patrol World' noong 2004 kasama sina Julius Babao at Ted Failon. Nagwakas naman ito noong 2010 dahil naging anchor naman siya ng 'Bandila'.

Sa closing spiels, isang tuyong dahon ang biglang lumipad at nasapul ang mukha niya. Pero hindi ito inalintana ni Karen, nginitian lamang, at hindi nasira ang poise.

Sa kaniyang Instagram account, pabiro niyang sinabi na parang naging literal ang 'turning a new leaf' dahil nga iyon ang unang gabi ng pagbabalik niya sa TV Patrol.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Literally turning over a new leaf. Mahangin lang talaga sa labas lol. Have a good day everyone! Christmas is around the corner See you later on TVP."

Karen Davila (Larawan mula sa IG)

Ilan sa mga celebrity friends ang nagbigay ng komento sa kaniya. Isa na rito ang kaniyang sikat na impersonator na si 'KaladKaren Davila'.

"Always be-leaf in yourself! Love youuuuu, Ma’am KD!!! Big Congratulations!"

Sabi naman ni 'Eat Bulaga' host at misis ni Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo, "Haha such poise pa din."

"I love what you did here," saad naman ng kaniyang co-anchor na si Bernadette.

Sa isa pang IG post, nagpahayag si Karen ng pasasalamat sa kaniyang pagbabalik-TV Patrol.

"The first day of a new chapter for TV Patrol. I am back after 11 years. Grateful to those who have come before us. Through the brightest days & darkest times… nandito pa rin kami, nagbago lang ang mga bantay pero matibay pa rin ang TV Patrol dahil po sa inyo. We will see this through. Proud to be part of the @tvpatrolph team Thank you Lord," aniya.

Bernadette Sembrano, Henry Omaga Diaz, Karen Davila, Gretchen Fullido (Larawan mula sa IG)

Tuwing weeknights na mapapanood si Karen sa TV Patrol. Si Pia Gutierrez naman ang pumalit sa kaniya sa 'The World Tonight' kasama si Tony Velasque