Isa sa mga kinakikiligang leading man sa Kapamilya Network si Paulo Avelino, na talaga namang kinatutuwaan ngayon sa Twitter dahil sa kaniyang mga game na game na tweets.

Kaya naman, pinusuan ng mga netizens ang tweet niya tungkol sa kaya niyang gawin para sa taong espesyal at mahal niya, lalo na sa panahon ngayong may pandemya.

Aniya, wala umano siyang pakialam kung mahawahan man siya ng COVID-19, kung nagkaroon man nito ang kaniyang special someone; handa umano niyang alagaan ito sa abot ng kaniyang makakaya.

"Same thing I would do for someone I love. If you get COVID then F it. I wouldn't care If I got it too. I'm taking care of you whether I get it or not. If I die due to COVID, I'll be happy I did it for someone I love."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Twitter/Paulo Avelino

At syempre, kilig naman ang mga babes at bekis sa tweet na ito ng heartthrob. Sumang-ayon naman ang karamihan sa mga netizens, lalo na raw kung kapamilya ang nasa ganoong kalagayan.

"Yahh. Even it is very harmful tas yung family mo yung nasaganung sitwasyon you will do everything even you put your life in danger."

"I love you Pau! Sobrang idol talaga kita. Hindi ako nagkamaling gustuhin ka… Napakabuti ng puso mo… God bless you always… Pero wag kang mamamatay magkikita pa tayo soon!"

"You are so sweet naman, Mr. Cutie! Also if someone my love happens to be like that, I will do everything, I will take care of them, I don't care if I will get one also."

Batay sa latest tweet ni Paulo, kagagaling lamang niya sa COVID-19.