Game na game talaga ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na makipagbardagulan sa mga bashers kapag nagpo-post siya sa kaniyang mga social media accounts.

Isang basher na naman ang nakatikim ng soplak mula sa mahusay na aktres. Ibinida kasi ni Angge sa kaniyang Instagram ang litrato niya habang nakatalikod, nakasuot ng pink outfit, at bakat ang kaniyang puwet.

Basag-trip ng netizen, "Nakakawala ng pwet ang pink!"

Tugon naman ni Angge, "Kesa naman sa dignidad!"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa IG/Angelica Panganiban

Samantala, mas marami naman ang pumuri sa aktres at tinanong pa nga kung saan mabibili ang naturang pink outfit.

"One of the strongest woman I've ever known. Hinding-hindi sumuko sa pag-ibig. I adore you. Saan mo nabili 'yan?"

"Where to buy your outfit Ms. Angelica?"

"Pink is the coolest color."

"Ang ganda, likod pa lang yan."

Samantala, kamakailan lamang ay marami sa mga celebrities ang nagsuot ng pink outfit bilang pagpapakita ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo.