Pinag-uusapan ngayon ang tweet ng TV host-actress-vlogger na si Alex Gonzaga hinggil sa kaniyang 'gentle reminder' para sa lahat: na maging mabait sa isa't isa dahil may mga 'personal battles' na pilit nilalabanan sa araw-araw na pamumuhay.

"Good morning! This is a reminder that there are people who are fighting their own personal battles silently, everyday. Please be kind," ani Alex nitong Oktubre 11, 2021 ng umaga.

Screengrab mula sa Twitter/Alex Gonzaga-Morada

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Agad itong nakatanggang ng likes at niretweet pa ng marami. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon at komento:

"Good morning! This is a reminder that no matter what you are going through, we are always right behind you. Please remember that. Love you ate!!!"

"ATE CATH!!! I HOPE YOU ARE OKAY, NANDITO LANG KAMI!!! @Mscathygonzaga"

"Yes, don't ever feel guilty for doing what's best for you Ate, good morning Ate Cath, have a nice day, I love you!"

May mga nagsasabi namang 'pasaring' ito sa showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis matapos sitahin ng kaniyang mister na si Mikee Morada, ang Instagram post nito, kung saan sinabi nitong nakunan umano si Alex, at 'pagkakakitaan' pa ang rebelasyon nito sa kanilang vlog.

"Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang totoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin,” ani Solis. “Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita. Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa.”

“Hindi naman siguro tutoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex st Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila. Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago? Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record? Basta for us, get well soon Alex, at be strong. Magkakaroon ka pa uli ng baby, we pray for that. Amen.” dagdag pa niya.

Larawan mula sa IG/Lolit Solis

Hindi ito pinalampas ng Lipa City councilor at agad na nagkomento sa naturang IG post.

“Mam, masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa. Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat," aniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/10/lolit-solis-binanatan-ni-mikee-morada-dahil-sa-chismis-nito-na-nakunan-ang-asawang-si-alex-gonzaga/

Matatandaan na ngayong taon rin na naging usap-usapan na buntis umano si Alex.

Samantala, wala pa namang reaksyon o tugon ang kolumnista hinggil sa komento ni Mikee sa kaniya.