KUALA LUMPUR-- Nakapagtala ang Malaysia ng 7,373 bagong kaso ng COVID-19 nitong Linggo, sanhi upang umabot sa 2,339,594 ang kabuuang bilang ng kaso ng sakit, ayon sa health ministry.

Dalawa sa bagong kaso ay imported habang 7,371 naman ang local transmissions, ayon sa inilabas na datos ng ministry sa kanilang website.

Samantala, umabot sa 27,329 ang kabuuang bilang ng namatay sa sakit matapos makapagtala pa ng 64 na namatay dahil sa COVID-19.

Nakapagtala naman na 10,959 na pasyente ang nakarekober, sanhi upang umabot sa 2,195,669 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Nitong Linggo, nakapag-administer ng 129,518 doses ng COVID-19 vaccine ang Malaysia. 

Xinhua